Panitikan: Kahulugan, Uri, at Halimbawa

Alamin ang kahulugan, uri, at nga halimbawa ng panitikan sa artikulong ito.

Ito ay higit na makakatulong sa mga mag-aaral na nais matuto at malaman kung ano ba ang panitikan. At ito rin amg magsisilbing daan upang maintindihan ng lubos at magkaroon ng karagdagang kaalaman. 

PANITIKAN 

    Ang panitikan ay nagpapahayag ng mga kaisipan, mga karanasan, hangarin, damdamin at diwa ng mga tao. At ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula.

    Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang "pang-titik-an" na kung saan ang unlaping "pang" ay ginamit at hulaping "an". At sa salitang "titik" naman ay nangunguhulugang literatura (literature), na ang literatura ay galing sa Latin na litterana nangunguhulugang titik.

    Ang mga halimbawa ng panitikan ay nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya at mga karanasang kaugnay ng iba’t ibang uri ng damdaming tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.

Dalawang Uri ng Panitikan at mga Halimbawa

PATULA
      Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng maaanyong salita sa mga taludtod na may sukat o bilang ng mga pantigat pagtutugma ng mga salita sa hulihan ng mga taludtod sa bawat saknong.

Halimbawa:

Awit

Mayroon itong tono at sukat. Naglalaman ang isang awiting ng bahaging pang tinig na ginagampanan, inaawit at pangkalahatang tinatanghal ang mga salita (liriko), karaniwang sinusundan ng mga intrumentong pang musika (maliban sa mga awiting acapella at scat). Kadalasang nasa anyong tula at tumutugma ang mga salita ng mga awitin, bagaman, may mga l relihiyosong mga taludtod o malayang prosa. Ang mga salita ay ang liriko.

Korido 

Ito ay isang uri ng panitikang Pilipino, isang uri ng tulang nakuha natin sa impluwensya ng mga Espanyol. Ito ay may sukat na walong pantig bawat linya at may apat na linya sa isang stanza. Ang korido ay binibigkas sa pamamagitan ng pakantang pagpapahayag ng mga tula.

Epiko

Ito tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala. Kuwento ito ng kabayanihan na punung-puno ng mga kagila-gilalas na mga pangyayari.

Balad

Ang balad ay isang uri o tema ng isang tugtuguin. 

Sawikain  

Ang sawikain ay maaaring tumukoy sa:

Idioma, isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal.

Moto, parirala na nagpapahiwatig ng sentimiento ng isang grupo ng mga tao.

Salawikain, mga kasabihan o kawikaan. Ang mga salawikain, kawikaan kasabihan, wikain, o sawikain ay mga maiiksing pangungusap na lubhang makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa ating pang araw-araw na pamumuhay. Naglalaman ito ng mga karunungan.

Bugtong

Ang bugtong, pahulaan, o patuuran ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag ding palaisipan ang bugtong). May dalawang uri ang bugtong: mga talinghaga (o enigma, bagaman tinatawag ding enigma ang bugtong), mga suliraning ipinapahayag sa isang metapora o ma-alegoryang wika na nangangailangan ng katalinuhan at maingat na pagninilay-nilay para sa kalutasan, at mga palaisipan (o konumdrum), mga tanong na umaaasa sa dulot ng patudyong gamit sa tanong o sa sagot.

Kantahin 

Ay (katulad din ng awit) mga awitin na matatagpuan sa iba’t ibang panig ng lugar sa bansa.

Tanaga

Ito ay isang maikling katutubong Pilipinong tula na naglalaman ng pang-aral at payak na pilosopiyang ginagamit ngmatatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan. May estrukturang itong apat (4) ma taludtod at pitong (7) pantig kada taludtod.


TULUYAN O PROSA

    Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng malayang pagsasama-sama ng mga salita sa mga pangungusap. Hindi limitado o pigil ang paggamit ng mga pangungusap ng may-akda.

Halimbawa:

Alamat 

Nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook, at mayroong l pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng mga mito at kuwentong-bayan. 

Anekdota 

Tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay may dalawang uri: kata-kata at hango sa totoong buhay. Ito rin ang mga ginagawa ng mga pagpapaliwanag sa mga ginagawa ng mga tao.

Nobela 

Ito ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba’t ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo, naging istilo nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga pangunahing uri ng panitikan.

Pabula

Isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan ang mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan.

Parabula 

Ang parabula ay gumagamit ng pagtutulad at metapora upang bigyan ng diin ang kahulugan. Ito ay madalas na hango sa Banal na Kasulatan.

Maikling kwento 

Isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo l ng l panitikan.

Dula 

Ito ay uri ng panitikan na itinatanghal sa mga teatro. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.

Sanaysay

Isang maiksing komposisyon na kailimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda.

Talambuhay

Ito ay nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari o impormasyon.

Talumpati 

Ito ay buhos ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsalita sa entablado na may layunin l na humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Ito ay isang uri ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.

Balita 

Mga mahahalagang nangyayari sa loob at labas ng ating bansa. Samantalang ang editoryal ay ang pagbibigay ng saring kuro-kuro o opinyon tungkol sa mga usapin sa lipunan.



By: Chad Anjelique V. Laddaran

Grade 10 - Atis 

Isabela National High School